Fast Search

Custom Search

Tuesday, February 17, 2009

Musika irita...

Di ko alam kung bakit nagiging ganito na naman ako, nagiging radical. Lahat na lang ng alam ko na mali, alam ko na di dapat, ay aking sinisita at binibigyan komento.

Araw-araw pagpasok ko dito sa opisina ay may tinutugtog na musika, dati'y masarap pakinggan; napapasabay ang padyak sa tunog. Subalit ngayo'y parang nakaka-irita na; nagiging masakit na sa tenga ang mga musikang ito. Parang paulit-ulit lang. Nakakabored na ika nga. Nagsimula etong lahat mga ilang araw na ang nakakalipas. Ewan ko ba dito sa opisina; hindi na work and fun... work and work na lang. Kahit pilit panatilihin ang fun ay mahirap; nahihirapan 'di lang ako, pansin ko rin eto sa mga kasama ko dito sa trabaho.

Ahh.. basta ang musika ay nakaka-irita na.

0 comments:

 

JULZRYU | BASKETBALL | BOXING