Fast Search

Custom Search

Monday, December 29, 2008

Greetings!

Merry Christmas and Happy New Year!

Monday, December 22, 2008

Sabi niya... Sabi ko...

Maaga akong umalis ng bahay papuntang ofis, baka kasi ma-late na naman delikado na. Hehehe. Maganda yung pinapatugtug kanina na musika sa bus na sinakyan ko, hmmm 'OK to ah', Jon Bon Jovi in the house yoh!

Nung nasa San Juan na kami eh may pumarang dalawang babae, pagpasok pa lang eh biglang napalitan yung musika na naririnig ko, yung ingay nung dalawa na anlakas. Parang nasa palengke na ako; akala ko pa naman magiging komportable ang aking pagbyiahe. Akala lang pala.

Di ko na lang pinapansin yung ingay, kaso di ko mapigilan; nakaka-irita, masakit sa tenga. Pare-pareho lang ang mga salita na naririnig ko mula sa kanilang usapan. Yung isang babae na nagkukuwento puro "Sabi ko... Sabi niya... Sasabihin..." Iniisip ko tuloy, 'di ba naiirita etong kausap niya?'

Ang sagot sa aking tanung ay bigla na lang lumabas sa ere galing sa bibig nung babaeng kausap nu nagdada; "Sabi niya... Sabi ko... Sabi.."

Putsa! pareho sila. Naman!

Tuesday, December 16, 2008

Trening na naman!

Inaantok na naman ako. Nasa trening na naman kasi eh. Tsktsk!

Kaninang umaga nagising ako ng maaga. Maaga rin ako na bumiyahe papunta trabaho pero maaga din na nagkaroon ng mabagal na trapik sa aking binabaybay na daan. Namputs! Pagkababa ko sa Robinsons eh tumakbo pa ako papasok dito sa opis, pagod, hinihingal. Only to find out na wala akong regular shift dahil may trening daw ako sa gabi. Ano?! Umiral na naman ang pagka-irate ko kanina at pagtra-trash talk. Ibinuhos ko na lang din ang konting sama ng loob kanina sa paglalaro ng DoTA, kaso talo pa. Wala talaga. Umuwi na lang ako.

Nakatulog naman ako ng mga isang oras bago ako umatend ng trening kaso late pa rin ako ng pagdating dito sa opisina. Naman!

Kaya eto, inaantok na naman. Wala akong maisip. ZZZZzzzzzz....

Sunday, December 14, 2008

Lipat



Kumusta?! Tagal ko na ring di nakapag-post ng ipopost dito sa blog na to ah. Wheeew!

Noong mga nakaraang araw kasi eh naging abala ako sa pagrenovate sa bagong kwarto na lilipatan namin; siyempre dapat maganda at malinis bago lilipat para komportable. Naman! Yun nga lang eh medyo lumayo ako sa opisina, tsktsk. Nadagdagan ng isa pang sakayan, pero OK lang yun, cowboy naman tayo eh. Wahahaha! I'm a cowboy beybeh!

Nakakapagod sobra! Ang hirap magpintura lalo na kung di ka gagamit ng mask, tsktsk. Sumakit nga dibdib ko dun eh. Pero ngayon OK na, natutulog na kami sa bagong kwarto, masaya naman. Wala lang. Hehehe!


Oo nga pala, yung larawan na nasa taas eh di po yan yung room na sinasabi ko. Mas maganda pa diyan. Wahahahaha!

 

JULZRYU | BASKETBALL | BOXING