Fast Search

Custom Search

Tuesday, December 16, 2008

Trening na naman!

Inaantok na naman ako. Nasa trening na naman kasi eh. Tsktsk!

Kaninang umaga nagising ako ng maaga. Maaga rin ako na bumiyahe papunta trabaho pero maaga din na nagkaroon ng mabagal na trapik sa aking binabaybay na daan. Namputs! Pagkababa ko sa Robinsons eh tumakbo pa ako papasok dito sa opis, pagod, hinihingal. Only to find out na wala akong regular shift dahil may trening daw ako sa gabi. Ano?! Umiral na naman ang pagka-irate ko kanina at pagtra-trash talk. Ibinuhos ko na lang din ang konting sama ng loob kanina sa paglalaro ng DoTA, kaso talo pa. Wala talaga. Umuwi na lang ako.

Nakatulog naman ako ng mga isang oras bago ako umatend ng trening kaso late pa rin ako ng pagdating dito sa opisina. Naman!

Kaya eto, inaantok na naman. Wala akong maisip. ZZZZzzzzzz....

0 comments:

 

JULZRYU | BASKETBALL | BOXING