Maaga akong umalis ng bahay papuntang ofis, baka kasi ma-late na naman delikado na. Hehehe. Maganda yung pinapatugtug kanina na musika sa bus na sinakyan ko, hmmm 'OK to ah', Jon Bon Jovi in the house yoh!
Nung nasa San Juan na kami eh may pumarang dalawang babae, pagpasok pa lang eh biglang napalitan yung musika na naririnig ko, yung ingay nung dalawa na anlakas. Parang nasa palengke na ako; akala ko pa naman magiging komportable ang aking pagbyiahe. Akala lang pala.
Di ko na lang pinapansin yung ingay, kaso di ko mapigilan; nakaka-irita, masakit sa tenga. Pare-pareho lang ang mga salita na naririnig ko mula sa kanilang usapan. Yung isang babae na nagkukuwento puro "Sabi ko... Sabi niya... Sasabihin..." Iniisip ko tuloy, 'di ba naiirita etong kausap niya?'
Ang sagot sa aking tanung ay bigla na lang lumabas sa ere galing sa bibig nung babaeng kausap nu nagdada; "Sabi niya... Sabi ko... Sabi.."
Putsa! pareho sila. Naman!
Kalinga inter-agency body adopts ‘Call of a Thousand Gongs’ for Ullalim 2014
-
TABUK CITY, Kalinga (PIA) - The celebration of the Kalinga’s 19th founding
anniversary and *Ullalim *Festival in February next year may be highlighted
wit...
11 years ago
0 comments:
Post a Comment