Fast Search

Custom Search

Tuesday, March 16, 2010

Ang totoong mahirap eh di gumagasto ng milyon!

Nagkalat ang mga campaign materials ng mga national candidates for office para sa 2010 eleksyon; nangungumpanya sa telebisyon, sa radyo, sa newspaper, sa kalye at kung saan saan. Nakaka-irita na! Lalo na sa mga pilit nagmamalinis para lang makuha ang sympatiya at boto ng nakakarami.

Sinasabi nyung gusto ninyong tulungan ang mahihirap pero sa campaign ads nyu naman eh gumagasto kayo ng milyon-milyon na salapi. Mapapanood ba yan ng mga mahihirap na walang telebisyon? Kung napanood man nila sa kapitbahay, mawawala ba ang kanilang kagutuman? Siguro naman eh sapat-sapat na ang isandaang milyong pera para bigyan ng kahit konting pagkain ang totoong mga mahihirap; kesa naman ginagamit sa pangungumpanya. Siguro naman alam nyu na na ang ibinayad nyu na milyon-milyon sa sa kumpanya ng telebisyon para sa inyong campaign ads eh hindi napupunta sa mga mahihirap; obvious naman di ba?

Magpaka-totoo kayo!

1 comments:

SHADOW said...

hello you got a very nice blog...
I'm jealose... I would like to invite you to visit mine too,
I only invited few and selected people to visit and your one of them.
It's www.kwetongkubo.blogspot.com...you can stop pinoy crab mentality
-this is useful if your planning to go in UK...enjoy reading

ps. you can also visit me in FACEBOOK..pedro komentaryo..
and be a family of sharing.

 

JULZRYU | BASKETBALL | BOXING