Fast Search

Custom Search
Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Thursday, September 11, 2008

Bihag

BIHAG
(para sa mga iKalinga)


Hindi pa rin nakikita
ang sinag ng lubos
na kapayapaan
sa bayang kinalakhan.

Ang pag-iral natin
ay nananatili pa ring
bilanggo sa puwersa
ng kadiliman.

Ang pag-iisip ay patuloy
ang pagdaloy sa
nalasong batis
ng patayan.

Patayan na sa ating
paniniwala ay nakapagbibigay
sa atin ng galak
sa ngalan ng karangalan.

Hindi pa rin tayo
nasisilaw sa tilamsik
ng dugo at patak ng luha
sa sarili nating lupa.

Hanggang kailan ito?
Kailan ihihinto?
Bihag pa rin tayo ng
ating mga maling paniniwala.

Alaala

(Di na to English mehn.)

Alaala

Tandang tanda ko pa noong
tayo'y mga bata pa,
Tayo'y palaging magkasama
palaging masaya.
Sabi mo sa aking sarili,
May gatas pa sa labi!
Biro ko naman sa'yo,
Wala ngang gatas sa labi mo
lumalabas naman sa ilong mo!

Sa pagpasok sa eskuwela
naaalala mo 'ko sa umaga,
Sinusundo mo ako sa bahay
sa iyo naman sumasabay.
Minsan bigla ka na lang tumatawa,
Pilyo ka, may muta pala
ang aking mga mata.

Sa daan tayo ay nagkukuwentuhan,
habang tinatahak ang maalikabok
na landas
tungo sa ating paaralan.
Sabi mo sa akin noon, puwede man
gusto mong magkaroon ng kasintahan.
Sabi ko, Ulol, bata ka pa...
tuli ka na ba?

Hayskul tayo'y palagi pa ring magkasama.
Tinuring kitang kapatid, panahon sa atin
ay hindi nagsawa.
Matalik na magkaibigan,
walang iwanan
, sambit mo.
Ewan ko, iba'ng nararamdaman ko.

Tuwing ako'y napapa-away sa skul
gusto mo 'kong tulungan upang
di magkaroon ng bukol.
Pansin ko, di ka naman
sumasali sa away,
sumisigaw ka lang, armas mo'y laway.
Hanggang ako'y nagkaroon
ng malubhang sakit,
Nagpapasalamat ako sa iyong
pagmamalasakit.
Sa ospital ako'y binibisita mo,
Tumatakas sa klase makita lang ako.

Ang sakit ko'y lumubha, lumala.
Nakita ko sa iyong mga mata
ang pagdaloy ng totoong luha,
tungo sa ngiting pilit nilikha.
Alam kong lumuha rin ang iyong puso
noong sinabi ko na mag-iiba na ang landas ko.

Simula noon hindi na kita nakita,
hindi na ako makakakita.
Ang landas ko'y iba na,
nabubuhay sa mundo ng alaala.
Hanggang ngayon, naaalala pa rin kita.
Ako, naaalala mo rin ba?

 

JULZRYU | BASKETBALL | BOXING