Katatapos na naman ng trabaho, eto na naman ako, stressed, tired and hungry. Same routine na naman, OK lang naman kasi nakasanayan eh.
Gusto kong manood ng DVD movie, gusto ko panoorin yung Max Payne kaso may problema, hirap basahin nitong DVD player ng PC eh. The disc is skipping ika nga; tsktsktsk! May DVD player naman dito kaso sira na kasi nahihirapan bumasa ng kahit na anung disc; pati nga yung USB port niya eh damage na rin; arrggh!
Sa katunayan pinapanood namin yung movie na yun sa office kanina kaso di ako maka-concentrate manood kasi andaming tumatawag. Naisip ko na lang ngayon na 'siguro di eto yung araw para panoorin ko yung pelikula'. Hmmmm... oo nga noh! May bukas pa. Assusss!
Fast Search
Tuesday, November 25, 2008
Maximo Pasakit (Max Payne)!
By: The MINGOL at 10:19 PM 0 comments
Labels: movie
Monday, November 24, 2008
Gangsta! Gangsta!
So how are the boys in the neighborhood mahmehn? Do they still hit the cracks? Nakukulitan ka na ba dito sa binabasa mo my nigga? Aaawww! Eto na last na to, kilala mo ba si Frank Lucas? Kung hindi eh click mo lang to o di kaya'y panoorin mo yung pelikulang American Gangster nang malaman mo, my nigga.
Kakapanood ko lang yan, matagal kasi naka-stock yung DVD eh, kaya ganito tayo mahmehn.
By: The MINGOL at 2:55 AM 0 comments
Labels: movie
Sunday, November 23, 2008
Bisor...
First day of work ngayon, sa katunayan malapit na ang katapusan ng shift; sa bahay na naman... same routine. Wahehehe. Anung bago? Hmmm.. nagkaroon kami ng bisor, coach ika nga. Bale pang-lima ko na siyang naging bisor simula noong lumipat ako sa pang-umagang shift; da best shift nga pala. Hehehe!
Ang una kong naging coach dito ay wala na, nag resign na pala (wrong choice of words, hehe). Check ninyo blog niya, eto oh Life of a Dominant Bitch, maraming magandang basahin diyan, lalo na mga escapades niya.
O sige, sige.. next time ulet.
By: The MINGOL at 8:35 PM 2 comments
Labels: work
Saturday, November 22, 2008
Clearance
Taong 2005 nang nag-apply ako ng NBI clearance sa Baguio City at ako'y nagulat dahil di daw ako mabibigyan ng clearance kasi markado ako. Ano ako, bungo?! Ano ang aking kasalanan o batas na nilabag? Noong inakyat ko yung punong mangga ng aming kapit-bahay para mamitas ng bunga eh utos sa akin ng aking kaibigan yun, yun ba? O baka naman yung panonood namin ng pornograpiya kasama ng barkada? Inaamin ko sumama ako sa rally sa EDSA Shrine at sumigaw ng "ERAP Resign! Erap Resign!" noong taong 2000, pero.. pero.. pero karapatan ko yun di ba? Ano?!
"DOST boy."
Huh!
Taong 2002 nang itinigil ko ang aking iskolarship, bilang iskolar ng bayan, na suporta sa akin ng DOST dahil sa ako'y naging pasaway sa pag-aaral. Gayunpaman, ano man ang nangyari eh kinakailangan ko pa ring ma-clear sa kanila. Ganun daw talaga. Tsktsk.
Hinintay ko ng pagkatagal-tagal, at sa wakas ay nakuha ko na rin, ang clearance ko mula sa Department of Science and Technology (DOST-SEI). Yehey!!! Makakakuha na rin ako ng mga importanteng papeles at identipikasyon gaya ng NBI clearance, Bureau of Immigration clearance, at pasaporte. Kung iniisip ninyo kung bakit ako may trabahong legal dito sa Maynila eh wala pa akong NBI clearance, hmmm, yan ay di ko masasagot ngayon. At tungkol naman sa proseso ng pagkuha ko ng clearance, di ko na kailangang sabihin. Let's just say, how's the Philippine government? Hehehe.
Ah basta, masaya ako.
By: The MINGOL at 10:30 AM 2 comments
Labels: philippines, work
Thursday, November 20, 2008
Oras
sinusulyap-sulyapan...
tinitingnan..
nababagot...
nakakalimutan..
oo nga pala
anong oras na?
By: The MINGOL at 11:09 PM 2 comments
Labels: poem
Tuesday, November 18, 2008
Trening?!
Ahhhh!
Lumihis na naman ang oras ng aking pagtulog; nasa trening kasi eh. Tsktsk. Di naman ako nagereklamo dahil sa trening na to, wireless printer setup ata to eh, at sa katunayan di talaga ako nagrereklamo. May natutunan naman ng konti, at least pumasok sa kokote, hehehe.
Dati natutulog ako ng di lalampas sa 1:00AM, ngayun mukhang lalampas ah, siguro 1:10AM na. Hahaha! Ang kaso pag-uwi ko diretso tulog na; di ko na malalaro yung PC game ko sa bahay na Kudos at Kudos Rock Legend. Oo nga pala, di na rin ako maka-download ng mga gospel and christian songs (mga kantang pinakikinggan ko, naks!)
Oo nga pala (na naman), yung larong Kudos eh life-simulation game ika nga. Nakakatuwa kaso parang gusto ko nang palitan ng The Sims 3 para mas interactive.
Balik trening na naman.
By: The MINGOL at 10:55 PM 0 comments
Labels: work
Sunday, November 16, 2008
Tamad!
Sa una masaya at exciting mag-blog; lalo na pag mga katrabaho mu nagbla-blog din. Noon yun, ganun pa rin naman ata sila ngayon eh. Pero ako, ako? Tinatamad na! Di naman ako si Juan, ewan!
Next time ulit ha. (Kita mo, tsktsk.)
By: The MINGOL at 8:49 PM 2 comments
Labels: work
Saturday, November 8, 2008
Blanko!
Nasaan na?
Nawala,
o talagang wala?
Di mo makikita,
bakit?
Kasi wala!
By: The MINGOL at 8:45 PM 0 comments
Labels: poem