Taong 2005 nang nag-apply ako ng NBI clearance sa Baguio City at ako'y nagulat dahil di daw ako mabibigyan ng clearance kasi markado ako. Ano ako, bungo?! Ano ang aking kasalanan o batas na nilabag? Noong inakyat ko yung punong mangga ng aming kapit-bahay para mamitas ng bunga eh utos sa akin ng aking kaibigan yun, yun ba? O baka naman yung panonood namin ng pornograpiya kasama ng barkada? Inaamin ko sumama ako sa rally sa EDSA Shrine at sumigaw ng "ERAP Resign! Erap Resign!" noong taong 2000, pero.. pero.. pero karapatan ko yun di ba? Ano?!
"DOST boy."
Huh!
Taong 2002 nang itinigil ko ang aking iskolarship, bilang iskolar ng bayan, na suporta sa akin ng DOST dahil sa ako'y naging pasaway sa pag-aaral. Gayunpaman, ano man ang nangyari eh kinakailangan ko pa ring ma-clear sa kanila. Ganun daw talaga. Tsktsk.
Hinintay ko ng pagkatagal-tagal, at sa wakas ay nakuha ko na rin, ang clearance ko mula sa Department of Science and Technology (DOST-SEI). Yehey!!! Makakakuha na rin ako ng mga importanteng papeles at identipikasyon gaya ng NBI clearance, Bureau of Immigration clearance, at pasaporte. Kung iniisip ninyo kung bakit ako may trabahong legal dito sa Maynila eh wala pa akong NBI clearance, hmmm, yan ay di ko masasagot ngayon. At tungkol naman sa proseso ng pagkuha ko ng clearance, di ko na kailangang sabihin. Let's just say, how's the Philippine government? Hehehe.
Ah basta, masaya ako.
TAGU Variety Shop
-
TAGU VARIETY SHOP
Come and visit the store that offers a lot to choose from; Sandugo, Tribu,
Manjaru, Beachwalk, Bench, Aficionado, Tribal, Jag, Ego, BNY, ...
7 years ago
2 comments:
aus ah! iskolar ka!!! heheheh.
Wahehe! Tinamad noon sa pag-aaral eh.
Post a Comment